Showing posts tagged this is so sad

Kagabi, nung naglakad ako pauwi mula sa Ateneo...

  • Siya: *kalabit sa balikat ko* Ser, pwede po ba malaman kung anong oras na?
  • Ako: *kabado, pero sinusubukang maging kalmado* Ah, quarter to eight
  • Siya: *naglalakad sa bandang tabi ko* Pauwi na, ser?
  • Ako: *tingin sa katabi, namukhaan ko* Oo, ikaw din 'no?
  • Siya: Oo nga eh. ... Hay, ilang araw na lang 'no?
  • Ako *biglang naalala yung tungkol sa palitan ng security agency sa eskwela* Oo nga eh. Teka, ikaw yung sa may RMT na guwardiya di ba? *nakilala ko kasi siya madalas ang pinapakiusapan kong mag-radyo sa maintenance para magpabukas ng aircon araw-araw dahil may play ang org namin nito lang Agosto*
  • Siya: *tumango* Hay. ... May mga bata nga kanina, nagpapasalamat, may mga binibigay na card. yung iba. Eh halos maluha-luha nga ako eh. Ma-mi-miss ko din yung eskwela niyo.
  • Ako: *tuluyan nang nawala ang kaba* Wow naman. Grabe lang kasi eh, ewan ko kung bakit kelangan pa magpalit.
  • Siya: Bake meron sa grade school at high school ata na mag-stay dun.
  • Ako: Eh sa college?
  • Siya: Wala ata eh.
  • Ako: Sa'n ka nga pala nauwi?
  • Siya: Diyan lang sa Marikina.
  • *konting katahimikan*
  • Ako: Eh, pa'no yun? Pagkatapos nito, saan ka na?
  • Siya: Bahala na. Sana makahanap ng bago. May anak akong nag-aaral ng college eh.
  • Ako: Anong year na?
  • Siya: Fourth year.
  • Ako: Eh hala. Paano na yan? Sayang naman isang sem na lang.
  • Siya: Kung hindi makahanap, eh di baka mag-stop muna siya.
  • *konting katahimikan*
  • Ako: Naku, sana makahanap kayo. Eh tinutulungan naman ba kayo kahit papaano nung school na makapaghanap ng malilipatang trabaho?
  • Siya: Wala nga eh.
  • Ako: *natigilan* Naku, pero hayaan niyo, marami naman sigurong nag-ha-hire ng guwardiya kasi maraning tinatayo ngayon. *nasa bandang SM Blue na kami nito*
  • Siya: Sana nga.
  • Ako: *malapit na sa inuuwian. medyo nahiya sa sarili kasi parang ang insensitive nung sinabi kong huli. sino ba naman ako para magsabi kung maraming trabaho o wala?* O siya, liko na 'ko dito.
  • Siya: Sige po ser, ingat.
  • Ako: Ingat din. *tapik sa balikat niya*
  • *pa-kanan ako papunta dun sa bandang Ministop. pa--diretso siya sa may Petron.*
  • Ako: *tumingin sa direksyon niya. pasigaw* Salamat nga pala.
  • Siya: *lumingon. ngumiti. tumango. tapos dumiretso na ng lakad*
(Reblogged from stalkerskitty)